Medical Assistance Application Form
Ang Kapwa Ko Mahal Ko (KKMK) Foundation ay nagbibigay ng Medical Assistance para sa mga pasyenteng nabibilang sa mahihirap na sektor at walang kakayanang tustusan ang kanilang pangangailangang medikal.

Kung ikaw o sinumang kakilala ay nangangailangan ng tulong medikal, sagutan lamang ang form na ito upang ma-review namin ang inyong mga detalye. Siguraduhin lamang po na pawang katotohan ang mga impormasyon na inyong ibabahagi.

Pagkatapos sagutan ang form na ito, hintayin lamang po ang text o email mula sa aming Social Coordinator upang malaman ang mga susunod na hakbang sa pagproseso ng inyong aplikasyon.    Ang mga maaaprubahan po na aplikasyon ay mabibigyan ng pagkakataong ma-ere sa KKMK TV show na ipinapalabas tuwing Sabado ng 5AM.

MUNTING PAALALA:
Nais lamang po namin linawin na hindi po automatic ang  medical assistance na ibinibigay ng KKMK po sapagkat ang ating pondo ay pawang nakasalalay po sa mga donasyon galing sa publiko.


DATA PRIVACY:
Ang pagsagot at pagsumite ng application form ay nangangahulugan na ikaw pumapayag na kuhanin at gamitin ng KKMK ang anumang impormasyon na ibinahagi para sa aming programa. Tinitiyak namin na ang mga detalye na ito ay pribado at mananatili lamang sa pangangalaga ng aming organisasyon.

Maraming salamat po!
तुमची प्रगती सेव्ह करण्यासाठी Google मध्‍ये साइन इन करा. अधिक जाणून घ्या
पुढील
फॉर्म साफ करा
Google फॉर्म्स द्वारे पासवर्ड कधीही सबमिट करू नका.
हा फॉर्म Kapwa Ko Mahal Ko Foundation, Inc. अंतर्गत तयार केला होता. गैरवर्तनाची तक्रार करा