Medical Assistance Application Form

Magandang araw po!

Kami po sa Kapwa Ko Mahal Ko Foundation (KKMK) ay may sinusunod na proseso para sa mga pasyenteng nais manawagan sa aming programa. Nais din po naming ipaalam sa inyo na ang tulong na maibibigay ay naka-depende lamang po sa pagtugon ng mga taong gustong tumulong sa pasyente, matapos maipalabas ang kanyang panawagan. Amin din pong ipinapaalam na ang bawat panawagan na aming ipinapalabas sa telebisyon ay isang paraan lamang po upang magbakasakali na makahingi ng tulong at makakuha ng sponsors/donors upang tumugon sa inyong inilalapit na pangangailangang medikal.

ANG KKMK AY BINIBIGYANG PRAYORIDAD ANG MGA SUMUSUNOD NA PASYENTE:

* Walang trabaho o sapat na kita para tugunan ang pangangailangang medikal

* Bata na edad 17 pababa

* Breadwinner o pangunahing nagtatrabaho at inaasahan ng pamilya

* Nakatira sa Metro Manila at mga karatig na lugar at probinsya

Kung ikaw o sinumang kakilala ay nangangailangan ng tulong medikal, mangyaring sagutan lamang po ang form na ito upang masuri at maiproseso ang inyong mga detalye. Siguraduhin lamang po na pawang katotohanan ang mga impormasyon na inyong ibabahagi.

MUNTING PAALALA:

Mahalagang paalala lamang din po na sa pagsagot ng aming Medical Application Form (MAF) ay walang kasiguraduhan na mai-ere sa aming programa, sapagkat dumadaaan po ito sa aming proseso. Hindi po ito nangangahulugan na agarang tulong para sa inyong pangangailangang medikal. Ito po ay pagbabakasali lamang na makalikom ng pondo para sa pasyente. Ang mga maaaprubahan po na aplikasyon na pasok sa kategorya ng aming organisasyon ay mabibigyang pagkakataon na ma-ere sa KKMK TV Show na ipinapalabas tuwing Sabado sa ganap na alas singko (5:00) ng umaga.


DATA PRIVACY:

Ang pagsumite at pagsagot sa KKMK Medical Application Form ay nangangahulugan na ikaw ay pumapayag na kuhanin at gamitin ng KKMK ang anumang impormasyong ibinahagi sa aming programa. Tinitiyak po namin na ang mga detalye na inyong ibinahagi ay ituturing na pribado at mananatili lamang sa pangangalaga ng aming organisayon.

Maraming salamat po!
Email *
Next
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This form was created inside of Kapwa Ko Mahal Ko Foundation, Inc.. Report Abuse