Join WritersPH!
WritersPH is an organization of Filipino Wattpad writers and editors who have the goal to help other Filipino writers and editors.

Naniniwala kami na ang lahat ay maaaring maging isang manunulat at may kakayahan na magbuklod bilang isa. Kaya kami, bilang isang kapwa manunulat, bumuo kami ng isang organisasyon upang makatulong na mapahusay ang sinabing potensyal.  

Ngayon mas pinapalawak pa namin ang organisasyon at bumuo ulit ng mga panibagong pangkat sa loob nito. Kinagagalak namin na i-anunsyo na nagkaroon na ang aming organisasyon ng pangkat ng Admins, Critics, Editors, at Journalists na kung saan hindi lang mga manunulat ang mabigyan ng serbisyo kundi pati na din ang iba pang may  kakayahan at abilidad, hindi lang sa larangan ng pagsusulat pati na rin sa paggawa ng pabalat at tamang paghahatol sa inyong mga istorya, at maging sa usaping pang-balita o tampok!
Email *
MGA KATANGIANG HINAHANAP NAMIN SA PANGKALAHATAN
* Laging o madalas active sa Messenger.

Mayroon kasi tayong group chat. Doon madalas magkaroon ng aktibidad para sa attendance at kung anu-ano pa. Hindi rin lang tungkol sa pagsusulat at pag-eedit ang matututunan mo, tiyak na mas marami pa kaysa sa inaasahan mo.

* Responsable.

S'yempre ang kukunin lang namin ay 'yung responsable at kayang panindigan ang pagsali sa grupong ito. Malaki-laking responsibilidad ang gagampanan ninyo. Hindi lang ito basta-basta—kailangan lalo ay marunong makihalubilo at makiramdam.

* No attitude problem.

Hindi namin kailangan sa aming organisasyon ang mga taong paiba-iba ng mood. Ang kailangan namin dito ay 'yung nakakaintindi at handang sumunod sa mga ipag-uutos ng nakakataas.
Dapat Tandaan
Nahahati sa dalawa ang interview. Ang first interview kung saan ang head at co-head ng department o team kung saan mo gustong sumali ang hahawak, at ang final interview kung saan namin sasabihin kung tanggap o hindi ka tanggap. Ang dalawang interview ay mangyayari sa Messenger. Kung wala kang Messenger, hindi ka namin maaaring interviewhin.

Bago ka opisyal na interviewhin, ikaw muna ay ilalagay sa Manor GC, kung saan bibigyan ka ng schedule para sa iyong interview. Hindi mo na maaaring palitan ang posisyon na inaapplyan mo kapag nasa Manor ka na. Mangyaring alalahanin ang schedule para maiwasan ang kaguluhan.

Mayroon din kaming Purge kung saan buwan-buwan ay tinatanggal namin ang mga myembro na hindi aktibo, at walang paalam na bigla na lamang nawawala sa organisasyon. Kung sasali ka at may balak na huwag makisama—matatanggal ka lang din kalaunan.
Link to Facebook account *
Wattpad Username (if you don't have a Wattpad account answer n/a) *
Nickname *
Age *
Sa aling Department/Team mo gusto sumali (maaari ka lamang pumili ng isa) *
Kung Admins Department ang pinili, mamili ng isang genre o kategorya na nais mong hawakan (maaari ka lamang pumili ng isa)
Clear selection
Kung Journalists Team ang pinili, mamili ng isang grupo na gusto mong salihan (maaari ka lamang pumili ng isa)
Clear selection
Bakit mo gustong sumali sa napili mong department/team? May karanasan ka na ba rito? *
Bakit mo naisipang mag-apply sa aming organisasyon? *
Ano-ano sa tingin mo ang maia-ambag mo sa organisayong ito? *
Kakayanin mo ba ang mga responsibilidad na maaring ibigay saiyo? Suportahan ang iyong sagot. *
Next
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This content is neither created nor endorsed by Google. Report Abuse - Terms of Service - Privacy Policy