MGA KATANUNGAN PARA PAGNILAYAN
登录 Google 即可保存进度。了解详情
电子邮件地址 *
Pangalan:
Pangunahing Tanong
Sa pagpapahayag ng Ebanghelyo ang Simbahang naglalakbay ay "sama-samang
naglalakbay:" Paano nangyayari ang “sama-samang paglalakbay na ito” ngayon
sa iyong Simbahan? Anong mga hakbang ang hinihingi ng Espiritu Santo na
gawin natin upang umunlad sa ating “sama-samang paglalakbay”?
01. Mga Kamanlalakbay
a. Sino ang aking mga kasama sa aking buhay-pananampalataya?
b. Ano ang antas ng pakikilahok na nararanasan natin sa ating simbahan?
c. Sino ang mga taong nakadarama ng pag-iwas o ang mga taong pinipilingmaiwan sa ating gawain o misyon sa simbahan?
d. Ano kaya ang mga dahilan kung bakit sila naiwan?
02. Pakikinig
a. Ano ang mga paraan at daan upang maipahayag ko ang aking opinyon sa simbahan?
b. Nararamdaman ko ba na ang aking boses o opinyon ay pinakikinggan ng iba sa loob ng Simbahan?
c. Anong uri ng mga opinyon na sa palagay natin ay pinakikinggan / hindi pinakikinggan sa komunidad?
d. Gaano karaming pakikipag-ugnayan mayroon ako sa mga taong mula sa ibang bansa at kultura?
03. Pagsasalita
a. Malaya ko bang naipahahayag ang aking mga alalahanin at pananaw?
b. Anong uri ng mga alalahanin sa palagay mo ang dapat nating bigyang pansin?
04. Pagdiriwang
a. Anong mga espirituwal na gawain ang nakikita mong makabuluhan at nakakatulong sa iyong pananampalataya at buhay?
b. Paano nakakatulong ang mga pagdiriwang ng liturhiya sa iyong pang- araw-araw na buhay at upang mamuhay na nagkakaisa?
05. Pagbabahagi ng responsibilidad para sa ating misyon
a. Ibinabahagi mo ba ang iyong pananampalataya sa mga tao sa iyong paligid?
b. Ano ang humahadlang sa iyo upang ibahagi sa iba ang iyong karanasan sa pananampalataya?
c. Ano ang mga pagkakataon para maging katuwang ka sa misyon ng simbahan?
06. Diyalogo sa simbahan at lipunan
a. Anong mga antas ng diyalogo ang posible sa mga tao mula sa iba't-ibang bansa, grupo, asosasyon at kultura?
b. Bilang miyembro ng isang internasyonal na komunidad ng mananampalataya dito sa Gulf, paano nadaragdagan ang paggalang mo sa mga tao mula sa ibang kultura at bansa?
c. Ano pa ang maaaring mapabuti?
07 .Ekumenismo
a. Anong mga pagkakataon ang mayroon ka para sa pagpapaunlad ng relasyon sa mga Kristiyanong hindi Katoliko mula sa ibang mga denominasyon?
b. Ano sa palagay mo ang mga paraan kung saan ang pakikipag-ugnayan at suporta sa isa't-isa ay maaaring mapahusay (sa pagitan ng mga Katoliko at iba pang mga Kristiyano)?
08. Awtoridad at Pakikilahok
a. Binibigyan ka ba ng kapangyarihan (pananagutan) ng simbahan bilangisang layko sa iba't-ibang responsibilidad sa Simbahan?
b. Ano ang antas ng pakikilahok ng mga layko sa gawain ng Simbahan?
c. Anong mga hakbang ang iminumungkahi mo upang mapabuti angpakikipagtulungan sa pagitan ng awtoridad at ng mga karaniwang tao?
09. Pagkilala at Pagpapasya
a. Mayroon bang proseso ng pagkonsulta sa mga programa ng simbahan?
b. Ano ang iyong maimumungkahi upang mapabuti ang prosesong ito?
10. Pagbuo ng ating sarili sa Synodality
a. Sa iyong palagay, paano mo nakikita ang simbahan ng hinaharap? Anoang iyong mga mungkahi?
提交
清除表单内容
切勿通过 Google 表单提交密码。
此内容不是由 Google 所创建,Google 不对其作任何担保。 举报滥用行为 - 服务条款 - 隐私权政策