Magandang Araw!
Ako ay isang mag-aaral na nasa ikatlong taon ng AB Sociology sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, Manila Campus, na kasalukuyang nagsasagawa ng pag-aaral na may pinamagatang “Exploring the Roles and Experiences of Guardians Caring for Children of Overseas Filipino Workers (OFWs)”. Layunin ng pananaliksik na ito na maintindihan at maunawaan ang mga karanasan, responsibilidad, at papel ng mga tagapangalaga o nag-aalaga ng anak ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na tumatayong pansamantalang tagapangalaga habang ang magulang ng bata ay nagtatrabaho sa ibang bansa.
Ang paglahok ay nangangahulugan ng pagbibigay ng impormasyon at ang posibilidad ng isang maikling panayam o interview na maaaring isagawa sa pamamagitan ng online meeting ayon sa inyong nais na oras at araw.
Kung mayroon mga katanungan o kinakailangan ng paglilinaw, magpadala lamang ng mensahe o makipag-ugnayan sa akin sa pamamagitan ng mga sumusunod: