Sarbey sa Komunidad: Pagbuo ng Modelo ng Pagkakaroon ng mga Kawani sa Paaralan (School Staffing Model) sa SFUSD para sa 2024-25

Nangongolekta ang SFUSD ng opinyon mula sa mga kawani, pamilya, at miyembro ng komunidad ng pampaaralan distrito, habang pinag-iisipan namin ang mga pagbabago sa pamamaraan ng Distrito sa pagpopondo sa mga kawani at serbisyo ng mga paaralan. Lubos kaming nagpapasalamat sa inyong opinyon at mananatiling hindi pinapangalanan ang mga sagot. Mananatiling bukas ang sarbey na ito hanggang Biyernes, ika-1 ng Disyembre. 

Introduction

Sa loob ng maraming taon, gumamit ang SFUSD ng Weighted Student Formula (sistema kung saan may batayang halaga kada estudyante, pero nagdaragdag batay sa magkakaibang pangangailangan) nang may Sistema ng mga Suporta na Marami ang Antas (Multi-Tiered Systems of Supports) para sa paglalaan ng pera at kawani sa mga paaralan. Simula sa SY2024-25, papalitan na namin ang paraang ginagamit upang pondohan ang mga badyet, kawani, at serbisyo ng mga paaralan. Gusto naming makuha ang opinyon ng komunidad ukol sa pagkakaroon ng mga kawani at serbisyo na pinakamahalaga para sa inyong estudyante at/o komunidad ng paaralan. Para sa iba pang impormasyon, pakipuntahan ang link na ito: Developing a School Staffing Model for 2024-25 (Pagbuo ng Modelo ng Pagkakaroon ng mga Kawani sa Paaralan para sa 2024-25).
Sign in to Google to save your progress. Learn more
1. Upang matulungan kaming maintindihan kung sino ang sumasagot sa sarbey na ito, pakibahagi ang inyong koneksiyon sa SFUSD. Piliin ang lahat ng naaangkop. *
Required
2. Sino-sinong kawani at ano-anong serbisyo ang pinakanakatulong sa pagsuporta sa tagumpay ng inyong estudyante o komunidad sa paaralan (bukod pa sa mga batayang guro ng klasrum)? Pakipili ang lahat ng naaangkop.
3. Pakipaliwanag ang inyong sagot sa Tanong #2. Huwag mag-atubiling magbahagi ng mas espesipikong titulo ng trabaho, programa, o serbisyo na bahagi ng kategoryang pinili ninyo sa Tanong #2.
4. May programa ba, serbisyo, pangkat ng mga estudyante na sa palagay ninyo ay hindi napapansin o kulang sa mga rekurso sa kasalukuyang proseso ng pagbabadyet para sa ating paaralan?
5. Sa inyong palagay, paano pa mapapabuti ang pagbabadyet sa paaralan?
6. Ano-ano pang tanong o komento ang mayroon kayo tungkol sa pagpopondo sa paaralan at mga rekurso nito?
Salamat po sa pagbibigay ng opinyon!

Mabibigyang-impormasyon ng inyong opinyon ang mga rekomendasyon upang mabago ang modelo ng pagkakaroon ng mga kawani sa paaralan at ihaharap ito sa Lupon ng Edukasyon (Board of Education) sa pampublikong pulong ngayong Taglamig o Winter.

Submit
Clear form
Never submit passwords through Google Forms.
This form was created inside of San Francisco Unified School District. Report Abuse